Thursday, May 5, 2011

Yawyaw 103


Pagod ako sa kakaisip kung ano ang pinaka-maayang Major na dapat kong kunin.
Pagod ako sa walang saysay na kakalakad parito't pabalik.
Pagod ako sa araw-araw na pakikinig ng mga patutsada ni Mama.
Pagod ako sa kaka-remind sa sarili ko na 'wag ng maging pabaya.
Pagod na'kong mag-laro ng Snake sa 3310 na cellphone ng kapatid ko. (Hayyy! Wala bang bago? 'bat ko pa kasi dinelit yung games sa cp ko? Ayan tuloy)
Pagod ako kasi palagi akong pinapagod ng kapatid ko.
Pagod ako sa pagiging bored. (Hayyy! Boredom. Lisanin mo nang bokabolaryo ko)


Pagod ako sa pagiging walang kwentang anak at asawa, este! syota ng syota ko pala.
Pagod ako sa kahihingi ng sorry sa kanya.
Pagod ako sa kaka-disappoint sa kanya.
Pagod ako sa pagpapaintinde sa kanya, na sya lang at wala ng iba.


Pagod ako sa kahihintay ng oras para makasama ko na siya ulit. Hayyy! Kung pwede lang sanang hilahin. Aw?

Pagod ako sa kakahanap ng site na mag-aaliw sa'kin.
Pagod ako sa kakaayos ng headphone. (Na hanggang ngayon, di pa rin ayos. Pano ba'to?)
Pagod ako sa kakaisip kung may masilaw bang bukas na naka-antabay sa'kin.
Pagod nga akong tapusin tong post na'to,e.
Pagod ako sa kakaisip ng mga bagay na nagpapa-pagod sa'kin. Alam ko marami yun. Kaso ngayong kaharap ko na'ng keyboard at screen, bigla nalang nagsipulasan sa isip ko.

Pagod ako dahil pagod ako.

Gayunpaman, atat na atat na'kong maging 3rd year sa pasukan!
Atat na atat na'kong gamitin ang teknik na tinuro sa'kin ni caroline para maka-lusot sa mga pilang kay haba haba.
Atat na atat na'kong matapos ang post na'to!
Atat na atat na'kong magbagong buhay.
Atat na atat na'kong pagandahin ang blog ko.
Atat na atat na'kong makasama SYA. (Char!)