Sunday, August 7, 2011

Pictorial sa TN :)

Okay. Bigyan natin ng respeto ang nalalapit na pag-diriwang ng Buwan ng Wika. Buhat dito'y, lasapin n'yo na naman mga ka-bloggers ang aking pag-Tatagalog.

Nung nakaraang Sabado'y ginanap ang aming photo shoot para sa taong 2011. Gayunpaman, lahat ng kampon ng publikasyon ay kusang nag-handa, nag-papogi't nag-paganda para sa kaabang-abang na pangyayari. Simula sa hepe hanggang sa mga busabos ng grupo, este... Mga bagong kasapi, eh... Kapuna-puna ang kanilang paghahanda upang mag-mukhang presentable sa harap ng camera.

Diyata't, ka-puripuri nga naman talaga ang resulta ng nasabing photo shoot. Kahit na kulang kami, okay lang. Kumpleto naman ang aming busog sa maala-pistang handa ng Mang Insal para sa'min. bleeeh!

Atat na atat. 'yan ang pinaka-maiging pang-uri para sa mga taong ito. (Kabilang na ako... siguro? haha)

Narito ang ilan sa mga bloopers bago, habang at pagkatapos ng pictorial.

– Hindi raw handa, nahihiya raw. Lantad na lantad naman kahit walang ibinugang kataga. Wala raw ma-isip na pose. Hindi raw mag-e-effort. Hindi nag-effort sa pananamit, hindi naman nag-hunos dili sa pag-pose. Haha.

– Atat na atat na gawing profile picture sa facebook account ang bago nilang litrato, at mag-paligsahan sa kung sino ang may pinakamaraming maipon na "likes". Kaya naman, ilan sa kanila ay nagmamadaling maka-akyat, maka-upo at maka-harap ang computer para tuluyang maka-facebook at ma-upload ang piktyurs.

– Kahit nasilayan na nila ang kinalabasan ng pictorial, maka-ilang beses pa rin nila itong minasmadan. Tama ba? Ewan ko nga ba't baket sila ganyan?

Marami na akong nasatsat. Hanggang sa muling pagba-blog. Ingat!

Masayang pagbabasa! :)