Sunday, August 7, 2011

Pictorial sa TN :)

Okay. Bigyan natin ng respeto ang nalalapit na pag-diriwang ng Buwan ng Wika. Buhat dito'y, lasapin n'yo na naman mga ka-bloggers ang aking pag-Tatagalog.

Nung nakaraang Sabado'y ginanap ang aming photo shoot para sa taong 2011. Gayunpaman, lahat ng kampon ng publikasyon ay kusang nag-handa, nag-papogi't nag-paganda para sa kaabang-abang na pangyayari. Simula sa hepe hanggang sa mga busabos ng grupo, este... Mga bagong kasapi, eh... Kapuna-puna ang kanilang paghahanda upang mag-mukhang presentable sa harap ng camera.

Diyata't, ka-puripuri nga naman talaga ang resulta ng nasabing photo shoot. Kahit na kulang kami, okay lang. Kumpleto naman ang aming busog sa maala-pistang handa ng Mang Insal para sa'min. bleeeh!

Atat na atat. 'yan ang pinaka-maiging pang-uri para sa mga taong ito. (Kabilang na ako... siguro? haha)

Narito ang ilan sa mga bloopers bago, habang at pagkatapos ng pictorial.

Hindi raw handa, nahihiya raw. Lantad na lantad naman kahit walang ibinugang kataga. Wala raw ma-isip na pose. Hindi raw mag-e-effort. Hindi nag-effort sa pananamit, hindi naman nag-hunos dili sa pag-pose. Haha.

Atat na atat na gawing profile picture sa facebook account ang bago nilang litrato, at mag-paligsahan sa kung sino ang may pinakamaraming maipon na "likes". Kaya naman, ilan sa kanila ay nagmamadaling maka-akyat, maka-upo at maka-harap ang computer para tuluyang maka-facebook at ma-upload ang piktyurs.

Kahit nasilayan na nila ang kinalabasan ng pictorial, maka-ilang beses pa rin nila itong minasmadan. Tama ba? Ewan ko nga ba't baket sila ganyan?

Marami na akong nasatsat. Hanggang sa muling pagba-blog. Ingat!

Masayang pagbabasa! :)




0 comments :