Wednesday, June 8, 2011

Tubig ay Buhay, Buhay ay Tubig (part 2)


Bago ko pa man i-type ang ikalawang bahagi ng naunang post, pag-pasensyahan nyo muna mga ka-bloggers ang isang melinyong pag-hihintay para sa karugtong nito. Kasi naman kasi, biglaang nagsipulasan sa isip ko ang mga ala-Balagtas na salita na pinaghuhugutan ko ng inspirasyon sa pag-sulat ng nakakawindang na post.

Ang Paghuhukom...

Isipan n'yo mang nag-iinarte lang ako, o 'di kaya'y OA ako; ngunit 'yun talaga ang unang sumanib sa kukote ko. Okay, ipagpalagay nating, sandaang tiklop ng ka-ow-eyhan sa pinaka-ow-ey na tao sa balat ng mundo. Ganun. Ganun ako ka-ow-ey ng panahong 'yun.

Binalutan ako ng sandmakmak na ka-ow-eyhan. At bago ko pa man mapag-tanto na umaapaw na ito, nakalanghap ako ng isang maala-kanal na baho. Nung una e, akala ko'y galing lamang ito sa aking hininga; ngunit hindi. Totoo na 'to! Tinatawag na'ako ng kalikasan upang makapag-labas ng galit at hinanakit.

Pa'no na 'to? E, wala ngang tubig?

Dagli kong sinugod ang bahay ng aking pinsan. 'Pag minamalas nga naman, o! Nadatnan ko siyang tulog-mantika sa kanyang porma.

"Insan! Gising na! Tanghali na!"

Maka-ilang beses ko itong inulit upang tuluyan ko siyang magising sabay hingi nang pahintulot na maki-pupu sa kanilang kubeta.

Nag-hintay ako ng humigit kumulang isang dekada upang mamulat ang kanyang mga mata. Akala ko'y, makaka-pupu na ako agad; ngunit, kinailangan ko pang sumailalim sa isang matinding interbyu portion at pumasa ng resume para lang makapag-bunto ng hinanaing.

Sa wakas! Narinig ko na rin ang kanyang positibong tugon.

Pumasok ako palikuran at doon ko na ibinuhos ang lahat.

Success!

Masaya akong umuwi sa'ming bahay. Naramdaman ko ang tunay na kaginhawaan pagkatapos kong mag-pupu.

Ilang hakbang nalang bago ko marating ang aking sinilangang-bayan, ay nakita ko ang aking nakababatang kapatid, kalakip ang kanyang maaliwalas at preskong dating.

Kung gugunitain, labis-labis na ang natatanggap nyang pag-aalipusta mula kay Mama, sa kadahilanang, isang melinyong pananatili sa kubeta.

So ang ibig sabihin e, kanina pa talagang umandar ang tubig. Whaaaat?

"San ka ba galing, ha?" ang kanyang malugod na tanong.

Wala pa mang lumalabas ni katiting na kataga mula sa'kin ay nakatanggap na sya ng malakas na hampas.

WORLD WAR 3 began...










4 comments :

Albert Einstein☺ said...

lyce, your widget on the left is toO big... YouR READERS mAY HAVE a hard time deciphering your blogs... thank you...

Orange Pulps ♥ said...

wow...both the post and the comment rocked my world!! asteeeg! hardcore...hahaha

^-^LyceL^-^ said...

albert.. haha.. it depends upon the pc.. if dako ang screen, wai problima. hehe.. but okay, i'll edit it, soon.. hehe.. tnx for visiting my site! :)

rolyn.. wag ka na.. haha.. :D

Noblesse Key said...

Story Telling??? So even if your hurt you're not allowed to cry because we need to conserve water...