Monday, August 6, 2012

Ika-anim ng Agosto, ng taong kasalukuyan. Wala ng mas makabuluhan at hihigit pa sa araw na'to. Maliban sa masayang pamamasyal sa samu't-saring sites na hatid ng internet, sa malugod na pakikisama ng dysmenorrhea, sa naunang pagsuot ng sneakers bago ang skinny jeans, sa naiwang susi sa kabila ng isang naka-lock na pinto, sa 'di nakakapagod na apat na oras na paghihintay bago ang masigla at walang kayamot-yamot na Tax class, wow! Ang galing-galing! Ang saya-saya! Wala na'kong ibang mahihiling pa. Sarap mabuhay! Dahil dyan, nararapat sa'yo ang isang masigabong clap-clap.

Sa kabila ng lahat, isang malugod na 'thank you' para sa'king mahal, minamahal at mamahalin. Salamat sa tatlong mefenamic acid at Jollibee lunch treat. 'Di mo natatanong, laking tulong ng presensya mo sa napaka-masigasig na araw ko.

Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig.