Monday, October 15, 2012

Sentido Kumon Kapatid!

Sino ka ba para makapang-husga't makapang-dikta? Diyos ka ba ha? Diyos ka ba?

Gustohin ko mang manahimik sa lahat ng kabi-kabilang pang-aalipusta, ngunit pagod na akong magpaka-bingi't pipi sa lahat ng mga batikos at maaanghang niyong salita.

Ganyan na ba kabagot ang buhay niyo't pati buhay ko'y pinag-uusapan niyo? Ganyan na ba ka-interesado ang buhay ko't pati mga maliliit na detalye'y pinagkaka-interesan niyo?

Para sa inyong kaalaman, MASAYA at KONTENTO ako sa kasulukuyan kong sitwasyon at taos puso kong pinapangalagaan 'to. Matiwasay na sana, eh. Subalit kayo lang! Kayo lang ang bukod-tanging nangenge-alam at gumaganap sa papel ng pinaka-kontribida sa mga pila ng kontrabida sa balat ng mundo.

Napag-desisyonan kong ipursige ang post na'to kasi nasasaktan na'ko. Nasasaktan ako kasi apektado ako sa lahat ng alegasyon nyo. Bagamat ang lahat ng ito'y pawang walang katotohanan, apektado ako kasi ang mga taong mahal ko'y apektado. Lahat ng 'yan ay dahil sa inyo. Pangmumura ba ang paborito niyong laro? Pwes! Mabulok na sanang pagkatao nyo.

Inuulit ko. Sino ka ba? Isa ka ba sa mga nagbasbas sa'kin pagka-silang ko sa mundo? May ideya ka ba sa lahat ng ginagawa't nararamdaman ko minu-minuto? Nilalasap mo bang parehong hanging nilalasap ko? Hawak mo bang kinabukasan ko? Pinagsawaan mo na bang mga pinagsawaan ko? Nanggaling ka na ba sa pinanggalingan ko? Kung hindi, sino ka ba para ipangalandakang ganito-ganyan ako?

Mahabag ka! Pati utak mo'y dinukot na ng polusyon. Mabuti siguro'y, magpa-konsulta ka na sa pinakamalapit na albolaryo.

Pakaantabayan mong karma mo. At lunurin ka sana ng inggit mo.

pero char lang! :D

0 comments :